Ihanda na ang makakapal na jacket at iba pang kasuotang panlamig dahil papasok na ang taglamig sa bansa sa mga susunod na araw.

Sinabi ni weather forecaster Samuel Duran ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na mapapalitan na ng northeast monsoon o hanging amihan ang umiiral pa ring southeast monsoon (habagat) na magdadala ng malamig na simoy ng hangin sa malaking bahagi ng bansa.

“Malapit na pong mawala o maglaho ang habagat, pawala na. Sa mga susunod na linggo ay amihan na tayo at sa katunayan ay nasa transition period na tayo. Asahan natin magkakaroon ng enhancement ng northeasterly winds at ito magiging amihan na,” paliwanag ni Duran.

Sa kanilang pagtaya, posibleng malusaw na ang habagat bago o pagkatapos ng huling linggo ng Oktubre.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kaugnay nito, aabot pa sa pito hanggang walong bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) hanggang sa Disyembre ng kasalukuyang taon.