Hinimok ni Education Secretary, Br. Armin A. Luistro FSC, ang local government units (LGU) na magtayo ng mga permanenteng evacuation center para hindi mabalam ang klase at maging maayos ang pagkakaloob ng serbisyo-publiko sa oras ng kalamidad.

“Ang aking panawagan sa mga lokal na pamahalaan at foreign agencies na magtayo ng permanenteng evacuation centers na puwedeng paaralan, ospital at bahay,” himk ni Luistro sa panayam ng mamamahayag sa pagdiriwang ng World Teachers Day sa Victorias City, Negros Occidental.

Inihalimbawa ni Secretary Luistro ang lalawigan ng Albay na nagtayo ng mga tent bilang pansamantalang tirahan at classroom sa libu-libong evacuees na apektado ng pagaalburoto ng Bulkang Mayon.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists