Inihain ng Pasig City Rep. Roman Romulo ang panukalang HB 5036 (The ATM Theft Insurance Act of 2014) na magbibigay-ginhawa sa mga ATM holder upang hindi mabiktima ng mga masasamang-loob.

Ang HB 5036 ay may titulong “An Act mandating all banking institutions to offer Automated Teller Machine Theft (ATM) Insurance to all clients, prohibiting fraudulent claims relative thereto, providing penalties and for other purposes.”

Binigyang-diin ni Romulo na ang mga kustomer o ATM holder na ang pondo o deposito ay nai-withdraw nang hindi nila nalalaman sa pamamagitan ng card-skimming o hold-up ay masisiyahan sa sistemang ito.

“The rampancy of incidents of the so-called card-skimming, where hundreds of millions of pesos are lost by bank customers to syndicates involved in the duplication of cards and acquiring the personal identification numbers (PIN) of unsuspecting ATM cardholders, is now alarming,” diin ni Romulo.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race