ANG Oktubre sa mga taga-Cardona, Rizal ay pagbibigay-buhay sa kanilang tatlong tradisyon na nakaugat na sa kultura. Ayon kay Cardona Mayor Benny San Juan, Jr., ang tatlong tradisyon ay Pagoda sa Dagat, La Torre at ang Sapao-an. Ang unang Pagoda ay tuwing ika-4 ng Oktubre na ginaganap sa Laguna de Bay sa bahaging sakop ng Cardona mga mangingisda, magsasaka, kabataan, kababaihan at mag-aaral. Ang Pagoda sa Dagat ay nagsisimula sa pantalan ng Barangay Looc Ang mga kalahok sa ay sakay ng mga bangkang de motor.

Sinusundan ang Pagoda na isang ginayakang petuya o malaking bangka na pinaglalagyan ng mga bangus na hinango sa mga fishpen. Nasa Pagoda ang imahen ni San Francisco de Asis at mga deboto. Ang fluvial procession ay tinutugtugan ng isang banda ng musiko na sakay ng isa ring petuya. Matapos ang fluvial procession, kasunod na ang masayang parada ng lahat ng mga lumahok sa Pagoda paahon sa bayan sa parada ay nagaganap ang masayang basaan at sabuyan ng tubig Natatapos ang parada sa harap ng simbahan at munsipyo ng Cardona

Sa umaga naman ng Oktubre 6 na bisperas ng pista ng Birhen ng Sto. Rosario, ginaganap ang La Torre o ang malakas na pagrepike o kalembang ng mga kampana ng simhahan ng Cardona na shrine ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario na pangalawang patroness ng Cardona. Sinisimulan ang La Torre ng parada ng apat na banda ng musiko sa kabayanan. Nagwawakas sa harap ng simbahan at munisipyo Umaabot sa may sampung minuto ang La Torre o kalembang ng mga kampana Ang La Torre ay hudyat at simbolo ng gagawing masayang pagdiriwang ng kapistahan ng Birhen ng Sto. Rosario At sa umaga ng Okubre 7, matapos ang misa sa simbahan, ginagawa ang ikalawang Pagoda sa Dagat o fluvial procession na parangal sa Mahal na Birhen ng Sto. Rosario at bahagi ng kapistahan.

National

Rep. Castro sa plano ni VP Sara na tumakbo bilang pangulo: 'Well, sana hindi siya manalo!'

Tampok naman sa hapon ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario ang Sapao-an o street dancing.Kalahok sa Sapao-an ang pangkat ng mananayaw ng LGU, mga barangay sa kabayanan, mga mag-aaral at mga civic at religious organization. Nagsisimula sa Barangay Looc ang Sapao-an at natatapos sa harap ng munisipyo at simbahan ng Cardona.Kasunod nito ang showdown o timpalak ng mga lumahok sa Sapao-an.