Iginiit ng mga kongresista mula sa oposisyon na may misteryosong nangyayari sa bakuran ng Liberal Party dahil ipinagpipilitan umano ng isang kaalyado ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang panukala nito para sa term extension kahit pa natukoy sa survey na maraming Pinoy ang tutol na amyendahan ang mga probisyong pulitikal ng Konstitusyon.
Nagsususpetsa sina Gabriela Party-list Rep. Luz Ilagan at 1-BAP Party-list Rep. Silvestre Bello III, kapwa miyembro ng minorya, sa “disunited front” ng LP sa usapin ng Cha-cha.
“It seems there is a hidden agenda that still has to be ironed out before publication. It is either the right hand doesn’t know what the left is doing or the right hand doesn’t want to agree with what the left wants to pursue or there is a conflict between the orders given to the two. Whatever the case, the party is presenting a disunited front which makes a very interestng case study,” ani Ilagan.