Paulo & KC

ITINANGGI ni KC Concepcion for the nth time ang napakatagal nang isyu na may relasyon na sila ni Paulo Avelino. Malapit na kaibigan lang daw niya ang aktor.

Nang makausap naman namin si Paulo sa farewell prescon ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay sinang-ayunan ng aktor ang sinabing ito ni KC.

“We are friends naman talaga ever since. Tulad ng sinabi ni KC, we are best friends at nag-uusap naman kami lagi. Hindi mawawala ‘yun at walang maaaring baguhin sa aming dalawa,” banggit pa ni Paulo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dagdag pa ng aktor, pareho silang bising-busy ngayon sa kanilang career. Doon lang muna ang konsentrasyon nilang dalawa.

“Basta kami, eh, okey lang naman sa isa’t isa. Nagkakausap naman kami pero sa ngayon talaga, eh, trabaho muna ang aatupagin. Doon muna kami,” sey pa niya.

Hindi pa naman daw siya handang makipagrelasyon sa ngayong kinakapos na siya sa oras dahil sa sunud-sunod projects.

“Committing is different. Siguro parang ang dami ring kailangan pagtuunan ng pansin and alam n’yo naman na we are both busy. ‘Yun nga, hindi mo naman malalaman kung sino ang makakatuluyan mo until you spend time with her,” seryoso pang dugtong ni Paulo na lalong gumagaling sa pag-arte.