Tangkang makapag-ipon ng puntos ang mga pinakamagagaling na junior netter sa bansa na kabilang sa Philippine Lawn Tennis Association (PHILTA) sa dalawang malaking internasyonal na torneo bilang paghahanda para sa posibleng paglalaro sa 2015 Southeast Asian Games na gaganapin sa Singapore.

Sinabi ni PHILTA secretary general Romeo Magat na anim na junior netters, tinanghal na kampeon sa isinagawang qualifying meet, ang sasabak sa WTA Future Stars Tournament sa Oktubre 17-20 at sa Southeast Asian (S.E.A) Junior Tournament 2014 sa Oktubre 19-26 na kapwa gagawin sa Kailang Tennis Center sa Singapore.

Sasabak sa torneo sa age category na 12-years old boys sina Michael Francis Eala at Jose Antonio Tria habang sa 12-years old girls sina Miles Alexandria Vitalinao at Alexandra Eala.

Hahataw naman sa 14-years old boys sina Arthur Craig Pantino at Michael Francis Eala habang sa 14-years old girls sina Monica Therese Cruz at Rafaella Jean Villanueva.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Pangungunahan naman nina Alberto Lim Jr. at Eric Olivarez Jr. ang koponan sa 16-years old boys habang sa 16-years old girls naman sina Khim Iglupas at Maia Bernadette Balce.

Makakasama sa delegasyon bilang coaches sina Roland Peter Kraut sa boys habang si Karl Thomas Santamaria naman sa girls.