Winalis ng reigning general champion De La Salle University (DLSU) ang men’s at women’s crown ng katatapos na UAAP Season 77 table tennis championship na idinaos sa Blue Eagles Gym.

Nakamit ng Green Archers ang kanilang ikalawang sunod na titulo matapos magtala ng perpektong 16 na sunod na panalo habang nakabawi naman ang Lady Archers sa kabiguang natamo noong nakaraang taong finals matapos pataubin ang University of the Philippines (UP) sa kanilang best-of-3 finals series.

Sa pangunguna ni Season MVP Jerald Cristobal, tinalo ng thrice-to-beat Green Archers ang Fighting Maroons, 3-0, kapwa sa Games 1 at 2, upang makumpleto ang isang unbeaten season at makopo ang kanilang ikaapat na pangkalahatang titulo sa men’s.

Para naman sa kababaihan, ang kampeonato ang ikatlong titulo ng Lady Archers.

National

FPRRD, pinasalamatan buong INC sa 'rally for peace': This is what our country needs in these critical times

Naibigay ni Ian Lariba ang clincher para sa 3-1 panalo ng Lady Archers makaraang talunin ang nakaraang season’s top rookie Nishino Noriko, 16-14, 11-3, 11-3, sa third singles match.

“This is the sweetest victory because we had to hurdle a lot of obstacles on our way to winning the championship,” ayon kay Lariba na hinablot din ang kanyang ikalawang MVP award.

Tumapos na nasa ikatlo lamang ang La Salle sa eliminations na hawak ang barahang 8-4 (panalo-talo) bago nila tinalo ang second seed Far Eastern University (FEU) ng dalawang beses sa Final Four upang umusad sa finals.

Ang Lady Archers naman na natalo sa Lady Maroons, sa kabila na taglay ang thrice-to-beat edge noong nakaraang taon, ay dumaan sa butas ng karayom bago naipanalo ang finals opener, 3-2.

Tinanghal namang Rookie of the Year sina Vladimir Rarama (men’s) ng Adamson at Josephine Talay (women’s) ng FEU.