Sunshine & Cesar

DEDMA at ayaw magkomento si Sunshine Cruz sa pagkaka-link ng dating asawang si Cesar Montano sa isang Sandra Shiefert. Ayon sa aktres, naka-move na siya kaya hinahayaanlang niya anuman ang activities ng ama ng kanyang tatlong anak.

May mga nagparating nga raw kay Sunshine na maputi rin at may konting hawig sa kanya ang naturang girl na kukunin daw ng actor bilang leading lady sa susunod nitong pelikula.

"Alam mo, Kuya Jimi, hayaan na natin siya. Basta ako masaya kasama ang mga anak ko. Sana nga lang, eh, huwag niyang pabayaan ang obligasyon niya sa mga bata," sabi ng aktres.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Abalang-abala ngayon si Sunshine sa sunud-sunod na projects. Bukod sa Pure Love, isa rin siya sa mga bida ng pelikulang Liwanag sa Dilim under APT Films kasama sina Jake Vargas, Bea Benene, Sarah Labhati, Dante Rivero at iba pa.

"Isa itong horror movie at maganda ang role ko. At siyempre, ipagmamalaki ko ito, dahil ito ang comeback movie ko after nu'ng Inang Yaya ng Unitel Productions at 'yung ginawang indie film ni Cesar na Biktima.

"Sana mabigyan ulit nila ako ng chance para makabangon ng bonggang-bongga. Hopefully, mabigyan ako ng chance din na makagawa sa Star Cinema," sey pa ni Shine.

Dasal ni Sunshine na mapansin next awarding season ang performance niya sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya na aniya'y isa sa mga hindi niya makakalimutang pagganap dahil marami siyang natatanggap na papuri.

"Proud talaga ako sa ginawa kong 'yun sa MMK. Apat na araw akong flooded with messages sa Instagram, FB, at Twitter. Sobrang proud sa akin ang mga kids ko," napatawa pang banggit ng lalong gumaganda at sumiseksing kaibigan namin.