ASIAD-2014-BOXING

Umakyat sa labanan tungo sa gintong medalya ang tututukan ngayon ni multi-titled Charly Suarez matapos ang split decision (2-1) kontra kay Obada Mohammad Mustafa Alkasbeh ng Jordan upang agad pag-initin ang kampanya ng apat na boksingero sa semi-finals ng boxing sa 17th Asian Games sa Incheon, Korea.

Dinaanan ni Suarez, na huling lumaban sa matinding World Series of Boxing, ang matinding pagsubok matapos itong maiwanan sa unang round sa mainit na la banan bago naitakas ang 29-28,27-30 at 27-30 upang siguruhin ang karagdagang pilak sa kampanya ng Pilipinas.

May pagkakataon si Suarez na mahablot ang gintong medalya sa pagsagupa nito ngayon kay Otgondalai Dorjnyambuu ng Mongolia.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ito ang unang pagkakataon na nakatuntong muli sa kampeonato si Suarez na nagtamo ng injury sa balikat bago nakabalik sa aktibong kompetisyon.

Huli itong sumagupa noong 2010 Guangzhou Asian Games ngunit hindi pinalad na makapaguwi ng medalya.

Habang sinusulat ito ay sasagupa naman sa men's light fly (46-49kg) ang London Olympian na si Mark Anthony Barriga kontra kay Jonghun Shin ng host Korea na hangad din na mapaganda pa ang nasungkit nitong tansong medalya.

Sasabak din sa men's bantam (56kg) semifinal si Mario Fernandez kontra kay Jiawei Zhang ng China habang asam din magwagi sa men's middle (75kg) semi-final ni Wilfredo Lopez laban kay Odai Riyad Adel Alhindawi ngJordan.