SYDNEY (AP)— Naputulan ng braso ang isang lalaki ng isang pinaghihinalaang great white shark habang nagsu- surfing sa Western Australia noong Huwebes, sinabi ng mga opisyal.

Ang lalaki ay nagsu-surfing sa Wylie Bay sa bayan ng Esperance sa Western Australia nang atakehin siya ng isang 4-meter (13-foot) great white, sinabi ni Esperance Shire President Malcolm Heasman.

Isang kapwa surfer ang tumulong na maiahon ang biktima sa pampang at dinala sa malapit na parking lot kung saan naroon ang isang off-duty ambulance officer, na nagbigay sa kanya ng first aid.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ang lalaki na nagbibisita sa lugar ay may sugat din sa kanyang mga paa. Maayos na ang kanyang kalagayan sa isang ospital sa Perth.