“Shoe your happiness.”

Ito ang tema sa taunang Sapatos Festival sa Marikina City, kung saan makabibili ng mura ngunit matibay at maginhawa sa paa na sapatos na hindi lamang pangsariling gamit subalit maaari ring panregalo sa Pasko.

Bilang panimula, ikinasa ang Shoe Caravan sa Valenzuela City Hall (Oktubre 1 hanggang 3), at lilibot sa iba pang lugar sa Metro Manila.

“Muli nating ipinagdiriwang ang Sapatos Festival para matulungan natin ang ating kababayan at masuportahan ang industriya ng sapatos, hindi lamang sa Marikina kundi sa buong bansa,” pahayag Mayor Del De Guzman.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Aniya, kumpara sa gawa sa ibang bansa, makatitipid ng 30 hanggang 50 porsiyento ang ating kababayan sa pagtangkilik sa produkto ng Marikina gaya ng sapatos, sandalyas, bags, wallets at iba pang leather products.

“Antabayanan ang aming Shoe Caravan na bibisita sa inyong lugar,” paanyaya ni De Guzman.

Binanggit ng alkalde na mabili rin ang de kalidad na sapatos at iba pang leather goods sa Marikina City.

Nabatid na abot sa P44 milyon ang kinita sa Festival noong nakaraang taon, lagpas sa P37 milyon noong 2012.