Naperwisyo muli ang libulibong pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 matapos magkaaberya dahil sa nadiskubreng putol na riles pagkatapos ng southbound Boni station kahapon ng umaga.

Bakas sa mga mukha ng mga pasahero ang galit at pagkairita sa panibagong aberya ng MRT na nagdulot na naman ng kanilang late sa trabaho at eskwelahan kaya napilitang sumakay sa bus na lalong nakadagdag sa pagbigat ng trapiko sa lugar.

Ayon kay MRT 3 Officer-in-Charge Renato San Jose, dakong 7:45 ng umaga nagpatupad ng provisional service o limitadong biyahe ng tren magmula North Avenue hanggang Shaw Boulevard lamang at pabalik dahil sa nakitang putol na riles.

Paliwanag ni San Jose nasagap ng signaling system ang truck abnormality kaya pinatingnan ito sa driver na siyang nakakita sa putol na riles paglagpas ng southbound Boni station at agad nagpatupad ang pamunuan ng limitadong biyahe sa mga tren upang maiwasan ang pagkadiskaril ng mga ito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Umabot lamang ng 20 minuto ang ginawang pagkukumpuni sa naturang putol na riles matapos idugtong ito gamit ang fish plate at C-clamp.

Bandang 8:40 ng umaga naibalik din sa normal ang operasyon ng MRT mula North Avenue hanggang Taft Avenue stations. Inayos na ng mga awtoridad ang sirang riles.