Inalis ng Philippine Army ang pangamba ng publiko sa mga ulat na posibleng nakapasok na ang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa bansa.

Sinabi ni 6th Infantry Division commander Major General Edmundo Pangilinan, na batay sa mga nakukuha nilang impormasyon, suportado ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang ISIS pero ito ay sa pamamagitan ng mga mensahe lamang o pledge of support.

Ayon kay Pangilinan, wala pa silang nakalap na kongkretong ebidensiya o mga dokumentong nagpapakita na sumanib na sa ISIS ang Jemaah Islamiyah (JI) at BIFF.

Pinatunayan ni Pangilinan na kanilang mino-monitor ang galaw ng JI member na si Mawiyah Marwan sa Central Mindanao.

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'

Sinabi rin ng opisyal na walang ibang matibay na patunay na mayroon nang presensiya ng ISIS sa bansa.