Kung magpapanatili ka ng good habits, mas maihahanda mo ang iyong sarili sa mga agarang pangangailangan o emergency, o para sa iyong pagreretiro. Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa isang tips upang maikintal sa iyo ang good habits sa iyong pananalapi.

  • Bantayan mo ang iyong inaaksaya. – Ang makikislap na bagay (hinalimbawa natin kahapon ang pagbili ng bagong cellphone) ay hindi lamang dahilan ng pagwawaldas. Kabilang sa mga dapat mong bantayang pag-aaksaya ay ang mga nalimutang rebate sa ilang bayarin, mga pagkaing nabulok na lang sa ref, bumibili ka ng extra item na hindi mo naman maalala kung saan nailagay ang unang item na nabili mo. Natitiyak ko na marami sa atin ang ganito.
  • National

    Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

  • Mag-impok, at gawin mo itong intensiyunal. – Ang pag-iimpok nang regular sa bangko ay mahalaga upang matamo ang mabuting kalusugan ng iyong pananalapi. Ngunit kailangan mo ring ideposito sa bangko ang perang dapat mong ginamit ngunit hindi natuloy. Halimbawa, nagkapera ka at inilaan mo iyon na pambili ng bagong cellphone, ngunit pagdating mo sa mall, nagpasya kang huwag na lang dahil impraktikal. Ihulog mo na lang sa bangko ang perang iyon. Purihin mo ang iyong sarili sa pagiging matalino at maingat sa pera. Ang pambili mo ng birthday gift para sa friend mo, pero dahil sinabi niyang huwag ka nang mag-abala, ihulog mo ang perang iyon sa bangko at pasalamatan na lamang ang iyong friend. Dalawang bagay lamang ang mangyayari sa perang iyong itinago sa bangko: (1) ang hindi iyon malusaw sa walang kapararakang bagay, at (2) lihim kang magagalak dahil nakikita mong lumalaki ang iyong pera sa bangko.
  • Huwag hintaying mabayaran ang iyong utang bago ka mag-impok. – Maaaring mas mainam na huwag na munang mag-impok upang agad na mabayaran ang isang pagkakautang (halimbawa: credit card), ngunit mas mahalaga ang ipagpatuloy ang regular na pag-iimpok. Gugugol ng mahabang panahon upang maikintal ang habit ng pag-iimpok kaya habang kaya pa ng iyong pananalapi, sanayin mo ang iyong sarili na regular na mag-impok na kasabay ng pagbabayad mo ng utang.

Tatapusin bukas.