Binulabog ng malakas na pagsabog ang mga residente matapos sumabog ang isang granada ang isang gasolinahan sa Isabela City, Basilan Lunes ng gabi.

Sa ulat ng Isabela City Police Station, ang isidente ay naganap dakong 7:15 ng gabi sa Barangay Riverside, Isabela City.

Ang gasolinahan ay pagmamayari ni Isabela City Vice Mayor Abdulbaki “Panther” Ajibon.

Ilang katao sa lugar ang nagtamo ng sugat mula sa shrapnel ng granada na inihagis ng hindi kilalang suspek.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Ayon sa mga saksi, tatlong lalaki na sakay sa isang motorsiklo ang responsable sa paghagis ng granada.

Bago ito, napigilan ng awtoridad ang pagpapasabog ng isang improvised explosive device (IED) sa Rojas Avenue, Isabela City.

Natagpuan ang bomba sa loob ng kaldero na kaagad din na pinasabog ng mga tauhan ng Explosive Ordnance Division (EOD) ng Philippine Army.