JayR_LITO-copy

GMA'S lost, ABS-CBN's gain!

Ganyan ang deskripsyon namin sa R&B Prince na si JayR nang pakawalan siya ng Sunday All Stars ng GMA at tumawid sa entablado ng undisputed, long-running at award-winning na ASAP ng ABS-CBN.

Nang magkaroon ng pagbabago at inilipat ng oras ang Sunday musical show ng Kapuso, iniligwak na rin ng network si JayR at hindi na isinama sa bagong show.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Until now, wala kaming ideya kung bakit tinanggal ang singer sa programa who had been so loyal with GMA. It's a little known fact na competent performer si JayR kumpara sa ibang talent na ibinabala ng Siyete. Maraming showbiz observers ang nagsasabi na JayR should have been retained at hindi dapat ipinagpalit sa mga unknown at umaastang singer-singer an ng show. (Agree ka ba, tugang na DMB?) Sadly, nag-reformat na nga, na wala namang makitang improvement o pagbabago sa programa.

Sa pagtawid ni JayR sa ABS-CBN, nakatitiyak kaming lalo siyang makikilala sa larangan ng pagkanta lalo na't higit o mas nakararami ang nakatutok sa international channel ng ABS-CBN, ang The Filipino Channel o TFC.

Hindi sa ASAP unang napanood si JayR nang mag-ober da bakod siya. Suki rin siya ng top-rating morning program ni Kris Aquino na KrisTV. Katunayan, ilang ulit na namin siyang napanood sa programa kasama ang R&B Princess na si Kyla. And Kris openly admitted her admiration to JayR and Kyla as singers.

Nonetheless, sa pagi-guest ni JayR sa ASAP last Sunday, nangangahulugan kay a ito ng tuluyang pagyakap sa binata bilang isang Kapamilya?

Sa unang sabak sa ASAP, kitang-kita ang excitement at kasiyahan ni JayR. Nakipag-duet siya kay Charice Pempengco, they sang the former's hit song na Bakit Pa Ba? at dinig ang sigawan at hiyawan ng ASAP fans bilang pagtanggap kay JayR.

Sabi ni JayR bago ang kanilang duet, "I have mixed feelings. I'm very nervous and I'm very excited. My parents always wanted to be here. They are watching us now," kasabay ng pagbati sa kanyang magulang na naninirahan sa Amerika at obviously ay nanonood ng ASAP via TFC.

Ang ASAP ang kalaban ng mga nawalang Sunday show ng GMA tulad ng SOP at Party Pilipinas.