Naiiba ang paghanga ng kinabibilangan kong media group sa Carinderia Queen – isang timpalak pangkagandahan na nilalahukan ng mismong kababayan natin na may kaugnayan sa pamamahala ng mga karinderya sa iba’t ibang panig ng bansa. Isipin na lamang na ang mga kandidata ay kinabibilangan ng mga cook, waitress, cashier at mismong mga may-ari ng naturang mga kainan.

Mawalang-galang na sa mga nasasaksihan nating mga beauty contest, subalit ang Carinderia Queen ay hindi nauukol sa kagandahan, pangangatawan at mararangyang pananamit ng mga kandidato. Sapat na ang kasuotang night gown ng mga kalahok sa gabi ng parangal o koronasyon. at ang mga kalahok ay magmumula lamang sa ating mga komunidad, at hindi kakatawanin ng mga beauty queen ng iba’t ibang bansa sa daigdig tulad ng ipinahiwatig ng mismong organizer nito – ang Marylindbert, inc.

Isang makabuluhang mensahe ang nakatawag ng ating pansin sa pagdaraos ng nabanggit na paligsahang pangkagandahan. Magpapaangat ito sa industriya ng karinderya na tiyak na magiging bahagi rin ng pangkaunlarang pangkabuhayan na isinusulong ng lipunan. Tiyak na ito ay magiging katuwang ng gobyerno sa paglutas ng problema sa kawalan ng hanapbuhay na hanggang ngayon ay hindi pa gaanong naaaksiyunan ng kasalukuyang administrasyon. Paliliitin nito ang paglobo ng unemployment ng bansa.

Hindi na maliit ang tatlong milyong karinderya sa buong bansa. Marami rin ang nabibiyayaan ng mga ito kaya’t panahon na upang lalo pang palaguin ang carinderia industry. ito ang kailangang

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

pagbuhusan ng atensiyon ng pamahalaan sa pamamagitan ng totohanang implementasyon ng ipinangangalandakan nitong small-scale business o entrepreneurship; sa halip na ilaan ang nakalululang pondo sa walang kapararakang mga negosyo o yaong tinatawag na mga white elephants.

Sa kabilang dako, ang magwawaging Carinderia Queen ang magiging livelihood ambassador at spokesperson ng carinderia industry. Ipagmamalaki niya na ang karinderya ay karaniwan lamang subalit isang marangal na hanapbuhay.