Siniguro ni Charly Suarez ang isa pang bronze sa kampanya ng Pilipinas upang iangat sa 2 pilak at 3 tanso ang nakokolektang medalya sa loob ng 10 araw na kompetisyon sa ginaganap na 17th Asian Games sa Incheon, Korea.

Dinomina ni Suarez ang men’s lightweight (60kg) sa quarterfinal kontra kay Ammar Jabbar Hasan ng Iraq, 3-0, upang umusad sa semifinal round.

Inaasahang makakalaban ni Suarez ang alinman sa Mongolia, Japan at Jordan.

Itinala ng multi-titled na si Suarez ang 29-27, 29-27 at 29-27 iskor sa tatlong judges upang unang boksingero na makatuntong sa semifinals.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Asam naman ni Wilfredo Lopez sa men’s middle (75kg) na makausad sa quarterfinals kontra kay Waheed Abdulridha Waheed ng Iraq.

Patuloy namang nauuhaw sa gintong medalya ang Pilipinas sa ginaganap na Asiad kung saan ay maagang binulaga ng kabiguan ang national women’s softball team ang delegasyon kontra sa Chinese-Taipei.

Matatandaan na huling naguwi ng 3 ginto, 4 pilak at 9 na tansong medalya ang Pilipinas ma apat na taon na ang nakalipas.