HUWAG NANG IDAMAY ● Nitong mga huling araw, napabalitang pinaigting ng militanteng islamic State of Syria and iraq (ISIS) na kumikilos sa Mindanao ang kanilang panghihikayat at pagsasanay ng kabataan bilang paghahanda sa pagsabak sa digmaan sa Middle East. Nilinaw ng Malacañang na hindi minamaliit ng gobyerno ang bagay na ito. ayon kay Presidential deputy Spokesperson abigail Valte, ang paglilinaw ay bunga ng pahayag ni basilan bishop Martin Jumoad na hindi dapat iniisnab ng gobyerno ang panghihikayat ng iSiS sa kabataan. Sinabi ni Valte na hindi isinasantabi ng pamahalaan ang napabalitang recruitment dahil ayaw nilang magkaroong ng karagdagang suliranin o kaguluhan sa bansa.

Kaugnay sa pangamba sa seguridad sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa Enero 2015, tiniyak ng Malacañang na personal na mamahala si Pangulong Noynoy upang matiyak na ligtas ang pananatili ng pinakamataas na lider ng Simbahang Katoliko sa bansa laban sa anumang banta sa buhay nito. Ipinagmalaki rin ng Malacañang na maging ang mga kababayang Muslim sa Mindanao at mga Kristiyano ay magtutulungang masupil kung mayroon ngang mga miyembro ng iSiS na umiiral sa lugar. Huwag na sanang idamay ang kabataang Muslim sa isang labanang walang kabuluhang labanan. Maghigpit nawa ang mga magulang sa kanilang mga anak, ang matyagan ang kanilang anak sa mga kaibigan o grupong sinasabahan ng mga ito. Nakagiginhawang isipin na pati na ang Moro islamic Liberation Front ay tutulong sa mga awtoridad laban sa pangre-recruit ng ISIS.

KAKAMPI NG KALIKASAN ● Marami na ang nagpapatupad ng mga aktibidad na pangkalikasan na may layuning labanan ang masasamag epekto ng climate change; ngunit sinu-sino sa kanila ang namumukod tangi, ang gumawa pa ang extra hakbang upang maging angat sa iba? Kaya naman binuksan na ang ika-apat na Gawad Bayani ng Kalikasan, at ipinahayag ito ng Center for Environmental Concerns-Philippines. Kailangan na kasing parangalan ang mga ordinaryong mamamayan na nagpakita ng ekstraordinaryong gawain na nagdudulot ng inspirasyon sa iba upang tularan ang kanilang halimbawa para sa pangangalaga at proteksiyon ng kalikasan. Kaya kung ikaw ito o may kakilala kang gumawa ng kahanga-hangang bagay para sa kalikasan, hanggang april 1, 2015 ang nominasyon ang sa december 2015 naman ang paggawad ng parangal. Nasa www. cecphils.org ang lahat ng detalye tungkol dito.
National

Tinatayang 300,000 Pilipino, nakinabang sa 'Walang Gutom' program ng DSWD