MALAKING balita noong Setyembre 1 ang ginawang paglaban ng 40 sundalong Pilipino at matagumpay na pagtakas sa bangis ng Syrian rebels sa loob ng pitong oras sa Golan Heights. Tinawag ito ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang bilang “The Great Escape”. Talagang matatapang at magagaling ang mga kawal na Pilipino. Mabuhay ang Filipino peacekeepers na nakatalaga sa Golan Heights at sa mga kawal sa Pinas kontra NPA at mga rebelde!

Samantala, habang sinusulat ito, hindi ko pa alam kung tinugon na ni Pangulong Noynoy Aquino ang hamon sa kanya ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) tungkol sa Cha-Cha: “Are you running or not? Just say yes or no”. Sawang-sawa na sila sa malabong pahayag ni PNoy tungkol kung susuportahan niya ang hangarin ng ilang kaalyado na amyendahan ang Constitution upang siya ay muling makatakbo sa 2016 at matapyas ang kapangyarihan ng Supreme Court na diumano ay masyadong “pakialamero” dahil pinakialaman pa ang DAP.

Nagbabanta raw ang kakapusan ng tubig sa Metro Manila at iba pang lugar pagsapit ng tag-araw sa susunod na taon. Gayon din yata ang mangyayari sa supply ng kuryente. Pambihira ito kapag nagkasabay ang kakulangan ng tubig at kuryente. Kulang na sa paligo ay kulang pa sa ilaw at bentilador. Malaking sakripisyo ito ng taumbayan na umaasang magiging maginhawa at kaaya-aya ang magiging buhay sa ilalim ng Aquino administration. Sana naman ay mapuno na ng tubig ang Angat Dam na pangunahing source ng tubig sa Metro Manila. Noon daw nakalipas na 3 buwan, kritikal ang water level sa Angat Dam dahil sa kakulangan ng ulan. Halos bumagsak sa 160-meter level na kahit tubig-inumin ay baka hindi na maipagkaloob. Sana ay maging sapat na ang tubig sa Angat Dam, pero huwag namang lumabis o umapaw dahil delikado ito sa buhay at pananim ng mga kababayan ko sa Bulacan.

Ang World Bank ay magkakaloob ng $508-million loan package (P22.4 bilyon) sa Pilipinas na ang makikinabang ay mga magsasaka at mangingisda? Gagamitin ang halagang ito sa iba’t ibang rural infrastructure project at livelihood assistance para sa may dalawang milyong mangingisda at magsasaka. Sana hindi mapunta sa bulsa ng mga kawatan ang halagang ito.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente