Its-Showtime-Cast

HINDI lang isang linggo kundi isang buwang selebrasyon ang inihahanda ng It’s Showtime bilang pagdiriwang sa kanilang limang taon nang pamamayagpag sa ere at pagbibigay-saya sa madlang pipol.

Huwag magpahuli sa pagsisimula ng makulay at siksik na selebrasyon sa Miyerkules (Oktubre 1) dahil ilalantad na ng programa ang malalaki nitong sorpresa at ang ganap na umpisa ng Magpasikat Month.

Handang-handa na para sa taunang Magpasikat Week sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Kuya Kim Atienza, Billy Crawford, Karylle, Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Coleen Garcia, Eruption Tai, at Vice Ganda. Muli silang maglalaban-laban para magbigay-aliw sa entablado. Kaya abangan kung sinu-sino ang magkakagrupo ngayong taon at kung anu-anong pasabog ang mapapanood sa kanilang performances. Kaabang-abang din kung sinu-sino ang bigating hurado na huhusga sa kanila?

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Para sa isang buong buwan na punumpuno ng patalbugan, hindi lang ang hosts ang magpapakitang gilas kundi pati ang mga madlang pipol, ang mga Kapamilya na naging bahagi na ng programa sa nakalipas na limang taon.