HONG KONG (AFP) – Inilunsad kahapon ng Occupy Central, ang grupong nagsusulong ng demokrasya sa Hong Kong, ang isang mass civil disobedience campaign upang igiit ang mas malayang pulitika ng lungsod mula sa Beijing, sa pananatili ng mga raliyista sa labas ng headquarters ng gobyerno ng estado.
Dumagsa ang mga raliyista, karamihan ay kabataan, sa labas ng government complex at umabot sa mahigit 10,000 noong Sabado ng gabi—pero nasa 60,000 ang taya ng mga organizer—upang iprotesta ang pagtanggi kamakailan ng gobyernong Chinese na pagkalooban ng buong kalayaan ang semi-autonomous na siyudad.
Unang itinakda sa Oktubre 1, inihayag kahapon ng mga raliyista: “Occupy Central starts now.”