ISANG malawakang tree planting at clean-up drive ang isinagawa sa lalawigan ng Rizal noong Setyembre 26 na pinangunahan ng mga mayor, miyembro ng Sangguniang Bayan, Barangay Council, kababaihan, guro, mag-aaral, civic orgnization, volunteers at environmentalist. Sa Antipolo City ang pagtatanim at paglilinis ay ginawa sa Hinulugang Taktak. Kasamang nagtanim ng mga puno at naglinis ang mga empleyado ng Kapitolyo ng Rizal. Sa bayan ng Tanay, ginawa ang tree planting at paglilinis sa Tanay micro watershed sa Barangay Cuyambay. May 5000 puno ng Molave o Kamagong ang naitanim. Naging panauhin si Director William Ragos, OIC ng Special Concerns Office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ang tree planting and clean-up drive ay bahagi ng pagdiriwang ng Unang Anibersaryo ng YES (Ynares Eco Sytem) To Green Program ng pamahalaang panlalawigan. Ito ay flagship project ni Rizal Governor Rebecca Nini Ynares na may kaugnayan sa pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan. Ang tree planting at paglilinis ay bahagi rin ng pagdiriwang ng kaarawan ni Gob Rebecca Nini Ynares, paggunita sa “Save Sierra Madre Day” at sa ikalimang taon ng bagyong Ondoy -- ang Rizal ay isa sa mga lalawigan na pininsala ng bagyo.

Ang YES To Green Program na nakarating na ang proyekto sa mga barangay ay may tatlong bahagi, ayon kay Rizal Governor Rebecca Nini Ynares - paglilinis, pagtatanim ng mga puno at recyling. Sa pagtatanim ng mga puno, nagkakaroon ng malinis na hangin, nababawasan ang epekto ng climate change, nagkakaroon ng pagkain at naiiwasan ang pagguho ng lupa. Sa recyling natutulungan ang mga mamamayan sapagkat may pera sa basura.

Ang ikalawang bahagi ng pagdiriwang ng Unang Anibersaryo ng YES To Green Program ay tinampukan ng isang simple ngunit makahulugang programa sa Ynares Center. Dinaluhan ng mga mayor sa Rizal sa pangunguna ni Rizal Mayor’s League President at Binangonan Mayor Boyet Ynares, Rizal Representative Joel Roy Duavit, Antipolo City Mayor Jun Ynares III, Rizal Vice Gov. Frisco San Juan Jr, mga board member ng Rizal mga barangay council at iba pang lumahok sa tree planting at paglilinis.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente