Tinatayang aabot sa P6.5 milyon halaga ng shabu ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa dalawang lalaki sa Tagudin, Ilocos Sur, noong Biyernes.

Arestado sina Antonio Ugay Jr., 37, tubong Quezon City; at Genarro Talino, 69, ng Barangay Bekkes, Tagudin.

Ayon sa report ng Ilocos Sur Police Provincial Office at PDEA, nagkakahalaga ng P6.5 milyon ang mga nakumpiskang shabu sa dalawang suspek, na tatlong buwan nang sinusubaybayan ng awtoridad bilang mga supplier umano ng droga sa La Union, Pangasinan at Baguio City.

Nakumpiska rin mula sa dalawa ang isang M-16 armalite rifle.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20