Itinutuon ng World Tourism Day (WTD) ang atensiyon ng daigdig sa sa komunidad at kung paano maisusulong ng turismo ang tuluy-tuloy na kaunlaran mula sa antas ng mga katutubo. Kinikilala nito na nag-aalok ang community-based tourism ng oportunidad sa mga lokal na residente na maging bahagi ng tourism value chain na aktibong inilalahok ang host communities sa proseso ng pagpapaunlad.

Habang papalapit ang 2015 deadline na itinakda para sa UN Millennium Development Goals at inilalatag na ang mga preparasyon para sa bagong Sustainable Development Goas para sa 2015 at sa mga susunod pang mga taon, nakikita ang WTD 2014 bilang napapanahong oportunidad upang isulong ang kontribusyon ng sektor sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng ekonomiya, pamayanan, at kapaligiran.

Inorganisa ng United Nations World Tourism Organization (UNWTO), ang mga aktibidad para sa pagdiriwang ng WTD 2014 ay idaraos sa Guadalajara, Mexico. Titipunin ng isang high-level think tank para sa 2014 theme na “Tourism and Community Development” ang mga tourism minister, international expert, at mga mambabatas sa larangan ng turismo at kaunlaran. Inaasahan sa pulong na ang turismo ay magiging “catalyst of social cohesion, going beyond the immediate impact of job creation and its positove economic consequences and enhancing local governance capabilities which further multiply [its] impact”.

Sa datong ng UNWTO kamakailan ay nagpapakita na ang tourism sector ngayon ay kumakatawan sa 9% ng global Gross Domestic Product (GDP) at ito ay isang key revenue sector para sa developing at emerging economies. Parami nang parami ang mga bansa ang naghahanda ng mas matibay na tungkulin sa turismo sa pagbalangkas ng mga polisiya sa ekonomiya at kaunlaran.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Sa kanyang mensahe para sa WTD 2014, sinabi ni UNWTO Secretary-General Taleb Rifaim “Tourism is a people-based economic activity built on social interaction… (it) an only prosper if it engages the local population by contributing to social values such as participation, education, and enhanced local governance…” Aniya pa, “There can be no real tourism development if [it} damages in any way the values and the culture of host communities or if the socio-economic development benefits by the sector do not trickle down to the community level.”

Sa okasyon ng World Tourism Day 2014, inuulit natin ang imbitasyon ng United Nations World Tourism Organization sa lahat ng gobyerno, tourism sector, at mga host community na ipagdiwang ang araw na ito bilang “symbol of our common efforts in making tourism a true pillar of community development and community development the basis of a more sustainable tourism sector”.