Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Coastal Clean-up Day at pagsuporta sa Manila Bayanihan para sa Kalikasan, ikinasa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Navotas City government ang Million People Clean-Up.
Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, isasagawa sa Sabado ang city-wide-cleanup activity o sabay-sabay na paglilinis sa 14 na barangay ng lungsod.
Pangungunahan nina Mayor John Rey Tiangco, Malabon Mayor Len-Len Oreta at Caloocan Mayor Oca Malapitan ang paglilinis ng estero ng Lapu-Lapu St. na nasasakop ng tatlong lungsod sa parehong araw.
Ito rin ang maghuhudyat ng panimula ng bagong programa ng DENR na Adopt-an-Estero Program na kaugnay pa rin ng tuloy-tuloy na kampanya para sa pagbabalik ng kalinisan ng Manila Bay na regular na isinasagawa.