Huling pagkakataon na para sa mga nagnanais maging miyembro ng pambansang koponan sa isasagawang Philippine National Volleyball final tryout ng Philippine Volleyball Federation (PVF) at sa suporta ng PLDT Home Fibr ngayon sa Ninoy Aquino Stadium.

Magsisimula ang tryout sa ganap na alas-4:00 hanggang alas-7:00 ng gabi para sa kalalakihan at alas-7:00 hanggang alas-10 ng gabi para sa kababaihan na may pagkakataong mapili at mapabilang sa pambansang koponan. Hangad ng PVF-PLDT Home Fibr National Volleyball Team tryout na makakuha ang pinakamagagaling na players na kanilang susuportahan at ihahanda para sa paglahok sa iba’t ibang internasyonal na torneo patungo sa pagsabak sa 28th SEA Games sa Singapore sa 2015.

Isa lamang itong bahagi sa ipinapatupad na long term program ng PVF para sa national team sa ilalim ng liderato ng kasalukuyang presidente na si Geoffrey Karl Chan bukod pa sa suportang ipagkakaloob ng PLDT Home Fibr sa pangunguna nina Gary Dujali, AVP and Head, Data Solutions-PLDT Fibr Brand head at Maxine Parangan, Senior Brand Marketing Manager.

“The tryout is PVF’s initial event to revive the national team program,” sinabi ni Chan. “It has attracted a total of 52 players that attended the two day men’s tryout while 56 players in the women’s side responded to the call to serve the country.”

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Nangako naman ang PLDT Home Fibr, sa pamamagitan nina Dujali at Parangan’ ang buong suporta para sa pagpili ng bubuuing national teams na nakatuon sa isang long range program na asam maibalik ang pagkilala sa bansa bilang isang dating powerhouse sa volleyball at kinikilala sa international level.

Matatandaan na una nang nagbigay suporta ang PLDT Home Fibr sa pagiging punong-abala sa AVC Men’s Club Championships kung saan ay naabot ng men’s team ang pinakamataas na ranking sa 7th place habang ang women’s team na naglaro sa AVC Women’s Club Championships sa Thailand ay tumapos na 8th place.

Binuo din ng PVF at PLDT ang National Volleyball Managerment Team (PNVT) upang mamahala at asikasuhin ang pagbabago sa National Senior Volleyball Teams (men’s at women’s).

Ang PNVT ay pangungunahan ni PVF sec. gen. Dr. Rustico “Otie” Camangian, na magsisilbi din bilang National Team Director, Edgar Barroga (Team Manager), Evelyn Celis (Admin and Operations Officer), Gretchen Ho (Ambassadress/Media Affairs), Michelle Datuin (Public Affairs Officer) at Frank Jara at Oliver Mora (Staff).

Ilan naman sa dumalo sa unang tryouts ay binubuo ng pinakamahuhusay na amateur na posibleng iprisinta sa Under-23 lineup na sina Jaja Santiago, Kathy Bersola, Nicole Tiamzon, Myla Pablo, Ivy Perez, Mylene Paat, Bernadeth Pons, Tin Agno, Ennajie Laure, Remy Palma, Geneveve Casugod, Ria Meneses, Ara Galang, Kim Fajardo at Mika Reyes.