John-Isabel-41-550x325

Ni MIKEE DELIZO

NAG-PROPOSE na si John Prats sa girlfriend niyang si Isabel Oli - at 'yes' ang sa got ng dalaga.

Pero hindi iyon pangkaraniwang wedding proposal. Nagsagawa ang 30-anyos na aktor ng flash mob sa Eastwood Mall plaza upang sorpresahin ang 33-anyos na aktres noong Miyerkules ng gabi.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kasama ni Isabel ang kapatid ng nobyo na si Camille Prats sa mall at inakala niya na magsa-shopping lang sila. Habang namamasyal, napansin ng dalawa ang kumakapal na crowd kaya sumilip sila sa plaza. Lumabas si John at sumayaw kasama ang daan-daang tao.

Pagkatapos ng flash mob, isang video ni John ang bumulaga sa big screen, at doon ipinahayag ng aktor ang kanyang paghanga sa kasintahan nang dalawang taon. Nagtapos ang video sa fireworks display bago sinambit ni John ang big question: "Puwede ka bang maging Mrs. Prats ng buhay ko?"

Sumagot si Isabel ng "yes" at nagsigawan ang crowd.

"The biggest and most special dance of my brother's life," sabi ni Camille sa ginawang pagsayaw ni Johnna ipinaskil niya sa Instagram. Dagdag niya, "Liv, so happy to have you in our family. You both truly deserve each other."

Bukod sa kani-kanilang pamilya, nasaksihan din ang engrandeng proposal ng ilan sa showbiz friends ng magkasintahan, gaya nina Sam Milby, Angelica Panganiban at Chynna Ortaleza.

Post naman ni Angelica sa Instagram, "Congratulations petty bes!!!! Congratulations on finding your great love, your life time partner may fiance ka na!! susunod may pamilya na kayo ni Liv huwow petty!! Ang saya saya naming mga friends mo for you!! Finally! Game over ka na congrats again Liv and Pratty. Mahal ko kayong dalawa."

Ang post naman ni Chynna, "Twinny!!!! We all live for magic & you have found yours. Ngayong gabi naramdaman namin ang totoong pag-ibig. God Bless you as you embark on this new chapter in your beautiful life. #JohnAndLivEngagement"

Pagkatapos ng romantic event, siyempre pa, ay may sarili ring post ang groom-to-be: "Grabe ang gabi na to. Walang katulad!!! Thank you sa lahat;)"