Nagsagawa ng joint naval drill ang isang warship ng Pilipinas at isang Japanense missile guided destroyer sa karagatan ng Palawan malapit sa pinagaagawang West Philippine Sea upang mapalakas ang interoperability ng dalawang hukbong pandagat.
Makikibahagi sa naval exercise ang BRP Ramon Alcaraz (PF 16) at Japan Maritime Self-Defense Force (JMSDF) vessel Japan Defense Sh (JDS) Hatakaze (DDG 171).
Kakabalik lang ng Alcaraz matapos itong makibahagi sa multilateral naval exercise Kakadu 2014 na ginanap sa Australia at magsagawa ng port visit sa Indonesia.
Nakibahagi rin ang JDS Hatakaze sa Kakadu 2014 bago ito nagtungo sa Singapore para rin sa port visit.
“Along (her)way from Zamboanga to Manila, PF 16 will have a Passing Exercise (PASSEX) with a Japan Maritime Self-Defense Force (JMSDF) vessel Japan Defense Shi (JDS) Hatakaze (DDG -171) at vicinity of Palawan on Sept 25, 2014,” pahayag ni Lt. Cmdr. Marineth Domingo, Public Affairs Office chief ng Philippine Navy, sa text message.
“JDS Hatakaze is a co-participant in the recently concluded Royal Australian Navy (RAN) hosted multilateral naval exercise KAKADU 2014.
JDS Hatakaze hadits own port in Singapore before it sails back to Japan,” dagdag niya.
Inilarawan ng Navy-PAO chief ang passing exercise bilang bahagi ng pagsasanay sa karagatan kung saan tinitiyak ng dalawang hukbo ang synchronization of communication at kooperasyon ng mga tauhan nito sa combined naval operations.
Tumanggi naman si Domingo na inahayag ang eksaktong lokasyon ng naval exercise sa Palawan dahil sa isyung seguridad. - Elena L. Aben