Hindi na mahihirapan pa ang mga overseas Filipino worker (OFW) na agad makuha ang kanilang mga benepisyo at serbisyong ipagkakaloob sa kanila ng Social Security System (SSS).
Ito ay bunsod ng paglulunsad ng SSS sa OFW Contact Center Unit (OFW-CSU) nito sa Oktubre.
Inihayag ni SSS Senior Vice-President and International Operations Division chief Judy Frances See na pangangasiwaan ng nasabing bagong unit ng ahensiya ang direct contact points para sa mga OFW upang mapakinabangan ng mga ito ang mga espesyal na serbisyo ng SSS na may kaugnayan sa kanilang mga pangangailangan sa ibang bansa.
“The OFW-CSU will provide dedicated e-mail support and local call services from 6:00 am to 10:00 pm on weekdays. In addition, a special assistance desk will be available at the SSS main office in Diliman, Quezon City for walk-in transactions of OFWs, such as registration and issuance of SSS numbers, enrollment in Flexi-fund Program, and verification of SSS records,” pahayag ng SSS.
Tutulungan din ng ahensiya ang mga ito sa paghahain ng loan, benefit claim at iba pang SSS application.
“We understand the unique circumstances of our Kababayan abroad, and so we continue to find ways to make the SSS more accessible to them. The creation of a specialized contact unit for OFWs will enable us to identify their distinct needs and address them accordingly,” pahayag pa ni See.