Tatlong paslit ang patay matapos makulong sa kanilang bahay na natupok ng apoy sa Dagat-dagatan, Caloocan kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga namatay na sina Janine Racel, 9; John Racel, 6; at Joshua Flores.

Sinabi ni SFO4 Alexander DJ Marquez, hepe ng Caloocan Fire Station investigation unit, na natagpuan ang labi ng tatlo sa ikalawang palapag ng kanilang bahay na nasunog dakong 6:35 ng umaga.

Iniwan umano ang tatlong paslit ng kanilang lola na si Zenaida, 56 at kanilang ama na si Val Flores sa kanilang bahay bago naganap ang sunog.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ayon kay Supt. Roel Jeremy Diaz, Caloocan Fire marshall, posibleng nagsimula ang sunog sa nagkaaberyang motor ng isang electric fan na natagpuan sa nasunog na bahay.

Isa pang anggulo na tinitingnan ng mga arson investigator ay ang paglalaro umano ng mga bata ng posporo.

"Madalas daw maglaro ng posporo ang isa sa mga bata," sinabi ni Marquez base sa pahayag ni Lola Zenaida. (Ed Mahilum)