SINAIT, Ilocos Sur – Niyanig ng tectonic at mahinang lindol na nasa magnitude 3.3 ang ilang lugar sa Ilocos Sur kahapon ng umaga ngunit hindi nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) dito.

Sinabi ni Porferio De Peralta, Phivolcs-Ilocos Sur researcher, na naramdaman ang pagyanig bandang 9:09 ng umaga, at ang epicenter ay nasa 22 kilometro hilaga-kanluran ng Vigan City at may 30 kilometrong lalim.

Ayon kay Peralta, intensity 3 ang naramdaman sa Vigan City, at walang inaasahang aftershocks. - Freddie G. Lazaro
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente