Anumang araw ay posibleng sumabog na ang Mayon Volcano, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Binanggit ni resident volcanologist Ed Laguerta, ang tila “pananahimik” ng bulkan ay nagbabadya ng pagsabog nito.

“Puwedeng pumutok ang bulkan anytime from now, nasa window. Kasi kung titingnan mo physically, wala, kaya lang because of that information that we derived from geodetic instrument and also from the information from geochemical instrument kaya nasabi namin ito,” pagdidiin ni Laguerta.

Sa mga nakaraang araw aniya ay mas kaunting rockfall at volcanic earthquakes ang naramdaman sa bulkan.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Paliwanag nito, kung tahimik sa labas ng bulkan, tuloy naman aniya ang proseso nito sa ilalim bago ang pinakaaabangang pagsabog.

Noong Lunes ng umaga, nagkaroon ng ilang minutong medium steaming o pagbuga ng usok ang bulkan na normal lamang umanong maranasan sa isang stratovolcano, kagaya ng Mayon Volcano.

Paglalahad nito, matapos ang lava dome formation ng bulkan, napahupa ang pressure sa ibabaw nito na nagresulta sa depressure sa mas malalim na magma, kung saan nahihiwalay ang gas sa mismong magma sa loob ng bulkan. Ito ang lilikha ng pressure na pilit na lalabas bilang steam ng bulkan.