INCHEON, Korea— Sa pagtataka ng Philippine delegation officials, isa sa accreditation cards ng apat na riders na target mapasakamay ang gold medals sa 17th Asian Games ay bumiyahe sa tatlong mga lugar sa mundo kaysa sa mga atleta at kanilang mga kabayo.

Ikinabahala ng Philippine Asiad secretariat kung bakit ang accreditation card ni Martin Diego Lorenzo Jr. ay napapunta sa Germany.

Kaya’t ang naging solusyon ng secretariat’s ang reapply para sa bagong pagpapalit ng kanyang card.

Kahalintulad sa unang procedure, nang maipadala ito sa Equestrian Association of the Philippines, ipinadala ang card sa Manila matapos na i-release ito ng Incheon Asian Games Organizing Committee (Iagoc).

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ngunit walang magagamit na ikalawang card si Lorenzo kung kaya’t ang kanyang kapatid, si Mateo Rafael, ay ibinalik ang card sa Manila upang makarating si Diego sa tamang araw sa Athletes’ Village. At iyon ang ilan lamang sa ekspiriyensyang natamo ng riders.

Nagcheck-in sina Diego at Mateo sa Athletes’ Village noong Lunes ng gabi. Dumating naman sina Toni at Joker kahapon.

Namalagi si Mateo ng 14 oras sa Manila upang siguruhin na makararating ang kanyang kapatid sa asiad. Dumiretso si Mateo mula sa Germany, kung saan si Diego naman ay naka-leave mula sa kanyang trabaho sa Dubai.

Si Diego ay nasa Manila may tatlong lingo na, ngunit ‘di batid na ang kanyang card ay maling naipadala sa Germany at saka ibinalik.

Sina Toni at Joker ay nagmula naman sa Belgium, subalit ang kanilang mga kabayo ay galing sa Germany, bagamat ang lahat ng mga ito ay binili sa Amsterdam.

Sasakyan ni Diego ang HS Contino, si Mateo sa Carlie, si Joker sa Didi at si Toni sa Maximillian. Dumating ang mga kabayo kahapon.

Ang pinakamemorableng naipagkaloob ng Philippine team sa equestrian ay noong 2002 sa Busan Asiad, nang ‘di inaasahang pagwagian ni Mikee Cojuangco ang ikatlong gold medal ng bansa sa huling bahagi ng torneo.

Ang nasabing performance para sa tatlong golds (ang dalawa ay mula sa bowling ni Paeng Nepomuceno at billiards pair nina Francisco Bustamante at Antonio Lining), at 16 silver at 16 bronze medals ang isa sa pinakamagandang naiambag ng Pilipinas sa Asiad.

Si Cojuangco, anak ni Philippine Olympic Committee (POC) President Jose “Peping” Cojuangco, ay lubos na pinuri at tinanghal na bayani sa Games at naging International Olympic Committee’s representative to the Philippines makaraan ang kanyang retirement mula sa sport ng mga royals.