EAC-vs-Mapua-bench-clearing_02pionilla-copy-550x357

Nakatakdang ilabas bukas ng NCAA Management Committee ang kanilang desisyon hinggil sa nangyaring rambulan sa nakaraang laban ng Emilio Aguinaldo College (EAC) at Mapua sa second round ng NCAA Season 90 basketball tournament.

Ayon kay ManCom chairman at season host Jose Rizal University (JRU) athletic director Paul Supan, paguusapan pa nila ng board ang magiging kaparusahan na ipapataw sa lahat ng mga naging sangkot sa nangyaring bench-clearing incident.

Matatandaan na hindi na itinuloy ang nasabing laro, may nalalabi pang mahigit sa 28 segundo, at ibinigay na lamang ang panalo sa Generals na noon ay nakalalamang sa Cardinals, 86-77, matapos na ma-thrownout lahat ng mga manlalaro at maging ang coaching staffs ng magkabilang team, maliban sa dalawang player na hindi lumusob sa loob ng court habang nagkakagulo na sina Jessie Saitanan para sa Mapua at Joshua General ng EAC.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi pa ni Supan na ibabase nila ang kanilang ipapataw na parusa sa magiging rekomendasyon ni NCAA Commissioner Bai Cristobal.

Samantala, malinaw naman sa video ng nasabing kaguluhan na mabilis na kumalat sa youtube at sa iba pang social media outlet na nagsimula ang gulo nang gantihan ni Leo Gabo ng Mapua si John Tayongtong dahil sa ginawa ng huli na paniniko sa kakampi ng una na si CJ Isit.

Sa kabilang dako, hinihintay din ng NCAA Mancom hanggang kahapon habang sinsusulat ang balitang ito ang sinasabing “protest letter” ng San Beda na nagpahayag ng kanilang kagustuhang iprotesta ang naging pagkatalo sa University of Perpetual Help.

Kinukuwestiyon umano ng Red Lions ang naibigay na ball possession sa Altas matapos magmintis si Kevin Oliveria kung saan ay nag-expire na umano ang shotclock ngunit nabigyan pa ng panibagong ball possession ang Perpetual at nagkaroon pa ng pagkakataong makapag-pukol ng 3 pointer si Joel Jolangcob.