Bagamat hindi namuhunan ng buhay at dugo sa nakalipas na mga digmaan, naniniwala ako na ang mga guro ay maituturing na mga buhay na bayani ng ating lipunan. Sila – tulad ng mga Overseas Filipino Workers (OFW), at ng iba pang nagpamalas ng kagitingan sa iba’t ibang larangan ng pakikipagsapalaran – ay gumanap ng mahalagang bahagi sa paglikha ng isang marangal na pamayanan. Lagi nating ipinangangalandakan: Teaching is a noble profession.

Sa paggunita ng National Teachers Month – Sep. 5 – Okt. 5 – hindi miminsang binigyang diin ng administrasyon ang makabuluhang tungkuling ginagampanan ng mga guro sa pagpapaangat ng pamantayan ng edukasyon sa bansa. Hindi lamang sa paghubog na kaisipan ng mga kabataan nakatuon ang pansin ng mga guro, kundi maging sa paggabay sa kanila upang maging ganap ang kaalaman sa wastong pag-uugali; sa pagpapahalaga sa good manners and right conduct.

Lagi nating nasasaksihan ang pagpapanatili ng mga guro sa pagdaraos ng maayos at tahimik na halalan. Naglalamay sila sa mga eleksiyon; hindi alintana ang mga karamdaman at panganib sa buhay na maaaring suungin nila sa pagganap ng naturang makabayang misyon sa kabila ng kakarampot na biyaya para sa kanilang pagsasakripisyo.

Nakapanlulumong mabatid na hanggang ngayon, hindi man lamang nagkakaroon ng positibong aksiyon ang mga panukala na magpapaangat naman sa kanilang pamumuhay. Ang dagdag na sahod para sa mga guro, halimbawa, ay nananatiling inaagiw sa Kongreso. Bilang isang dating guro, maaring makasarili ang aking pananaw hinggil sa pagiging manhid ng mga awtoridad sa pagpapahalaga sa kapakanan ng mga

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

dapat tulungan.

Dahil dito ang mga guro ay napipilitang mag-isip ng mga pamamaraan upang makahanap ng pantawid-buhay. Ang iba ay naglalako ng iba’t ibang bagay sa kanilang mga kaguro, kahit na ang gayon ay tila taliwas sa kanilang tunay na misyon. Tanggapin natin na may mangilan-ngilan din namang mga guro na nalilihis sa kanilang dakilang tungkulin. Subalit sa pangkalahatan, ang guro ay may marangal na propesyon. Sila ay karapat-dapat taguriang mga buhay na bayani ng ating pamayanan.