Hihimayin ng Energy Regulatory Commission sa Setyembre 29 at Oktubre 15 ang mga mungkahi at pananaw ng mga stakeholder sa pagpapataw o pagtatakda ng secondary price cap bilang hakbang para maibsan ang epekto ng pagtaas sa presyo ng kuryente sa merkado at maprotektahan ang kapakanan ng konsumidor.

Sa abiso, kabilang sa susuriin ang proposal o komento ng Manila Electric Company, Aboitiz group, Masinloc Power Partners Co, Ltd, at Philippine Electricity Market Corporation.

Inilabas ng ERC ang Resolution No. 14 serye 2014 sa target na magtakda ng secondary price cap kapag gumalaw, lalo kapag sobrang tumaas, ang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), bunsod ng nakatakda at hindi inaasahang pagtigil sa operasyon ng mga power plant.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho