Lahat tayo, guro…bayani

Ito ang pahayag ng DigiBayanihan movement secretariat nang himukin ang ating kababayan na maging volunteer para magturo upang maging digital literate at digital citizens ang sambayanan.

Inihalimbawa ni Ms. Yvonne Flores, corporate affairs manager ng Intel Philippines, ang isang sorbetes vendor na imbes maglalako sa kalsada ay magde-deliver na lamang sa lugar na nais ng kanyang followers sa Internet, kapag marunong siyang gumamit ng computer.

Nagsanib-puwersa ang pribado at pampublikong grupo, kabilang ang Intel, Technical Vocational Schools Associations of the Philippines, UP System IT Foundation, Children International Philippines, Information and Communications Technology Office ng DoST, National ICT Confederation of the Philippines, Philippine Community e-Center Network at Youth Congress on Information Technology, para isulong ang DigiBayanihan.
National

Makabayan bloc, magpapameeting sa mga naghain ng impeachment complaints laban kay VP Sara