Apatnapung taon na ang nakalilipas ngayon, gumusing ang sambayanang Pilipino sa isang umagang kakaiba ang katahimikan, na walang broadcast sa radyo at walang peryodiko. Nabunyag sa mga tawag sa telepono na idineklara na ang martial law ni Pangulong Ferdinand E. Marcos. Ang deklarasyon ay may petsang dalawang araw na mas maaga, Setyembre 21 – kilala kasi si Marcos sa pagkahumaling sa numero siyete at ang multiples nito.

At nagsimula na ang panahon ng batas militar, ang pinakamadilim na yugto ng kasaysayan ng Republika ng Pilipinas. Kinandado ang Kongreso, at ang Pangulo na mismo ang gumagawa ng batas sa pamamagitan ng mga Presidential Decree (PD) at mga Letter of Instructions (LOI). Isinantabi ng mga karapatang konstitusyonal at libu-libo ang inaresto. Kabilang doon ang nangungunang leader ng oposisyon, si Sen. Benigno “Ninoy” S. Aquino Jr.

Ang nangungunang peryodista ng bansa – lalo na ang mga kolumnista na bumabatikos sa administrasyon – ay tinipon at ikinulong sa Camp Crame. Kasama ng mga mediaman ang mga aktibista na kalaunang natuklasan ng Amnesty International na pinahirapan. Isang negosyanteng Chinese na inakusahang nagnenegosyo ng droga ang pinatay sa pamamagitan ng firing squad sa Fort Bonifacio.

Idineklara ang martial law, ayon kay Pangulong Marcos, upang supilin ang kaguluhan sa masa at ang banta ng pananakop ng mga komunista sa bansa. Sa mga unang taon ng martial law, katanggap-tanggap sa marami ang disiplinang lumaganap sa bansa. Ngunit kalaunan, naramdaman na ng taumbayan ang kawalan ng kanilang mga karapatan.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Basta na lamang dinadampot ang mga tao at ikinukulong sa bisa ng tinatawag na Arrest, Search, and Seizure Order (ASSO). Walang totohanang eleksiyon, Isang Konstitusyon ang “pinagtibay” sa pamamagitan lamang ng pagtataas ng mga kamay sa mga asembliya sa barangay. Sa susunod na 14 na taon hangang ipinuwersa ang special elections ng People Power noong 1986, ang parehong pangkat ng mga opisyal ang namuno sa bansa. Nawala ang isang batang henerasyon ng mga leader at kanyang kapwa leader ng Liberal Partyna si Gerry Roxas. Ang lumalagong pagkagalit ng publiko ay lumabas ng buong puwersa bunsod ng pagkakapaslay kay Senator Ninoy Aquino noong Agosto 21, 1983. Hinamon ang rehimeng martial law, libu-libo katao ang luminya sa tabi ng napaslang na senador, una sa kanyang tahanan sa Times St., at pagkatapos, sa Sto. Domingo Church sa Quezon City. Mahigit dalawang milyon katao ang sumunod sa funeral procession o luminya sa daraanan ng kabaong mula QC hanggang Parañaque City.

Ang lahat ng ito ay ginugunita magpahanggang ngayon ng mga nasa panahong iyon noong 1972, sa opisyal na pag-aangat ng martial law noong 1981, at sa huli noong 1986 kung saan totoong tinapos ito ng People Power. Ang martial law ang madilim na yugto ng ating kasaysayan. Ang anumang paramdam sa posibleng pagpapanumbalik nito ay kailangang salagin ng buong lakas.

Hindi na muli!