Mahigit 9,000 professional at amateur runner ang inaasahang daragsa sa Quezon Memorial Circle sa Nobyembre 29, 2014 upang sumabak sa 4th Quezon City International Marathon (QCIM).

Sinimulan ng pamahalaang lungsod noong 2010, ito ang unang global marathon na ginagawa sa gabi.

“We’ve decided to bring it back, bigger and better by having a special category for Quezon City residents,” ayon kina Quezon City Councilor Vincent Belmonte at Dorothy Delarmente sa paglulunsad ng fun run kamakailan.

Kabilang sa mga dumalo sa okasyon sina City Administrator Aldrin Cuna at Maria Cecilia Annonuevo ng AIDS Society of the Philippines. Kinatawan ng dalawang konsehal, na kapwa beteranong marathoner, si QC Mayor Herbert Bautista sa seremonya.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sinabi ni Jay Em, race director, na may apat na kategorya ang fun run—3K, 5K, 10K at 21K.

“We decided not to pursue a full marathon (42 kilometers) because we want to encourage people to experience the event, have fun and celebrate the 75th anniversary of Quezon City,” pahayag nina Belmonte at Delarmente.

Idineklara ng United Nations ang Quezon City bilang isa sa mga siyudad na mayroong “masusukat, maiuulat, at mabeberipikang hakbang sa climate change” bilang isa sa mga lumagda sa Mexico Pact kaugnay ng Global Cities Covenant on Climate Change.

“It is our vision to further improve and be able to preserve the environmental and social landscape of the city for the future generations,” sabi nina Belmonte at Delarmente, tinukoy ang green campaign ng alkalde sa lungsod.

Bahagi ng kikitain sa QCIM night run ay gagamitin sa pangangalap ng karagdagang volunteer ng AIDS Society of the Philippines na tutulong sa pamamahagi ng impormasyon laban sa pagkalat ng nakamamatay na sakit.

Ang tema sa ika-75 anibersaryo ng Quezon City ay “Future Perfect.”