1D6B2210

NAPAULAT na gusto na ni Geoge Clooney na maging ama ngayong kapiling na niya ang kanyang future wife.

Magpapakasal ngayong linggo ang 53-anyos na aktor sa British lawyer na si Amal Alamuddin, at na-engage sila noong Abril. Ito ang ikalawa niyang pagpapakasal, matapos ang pagsasama nila ng aktres na si Talia Balsam mula 1989 hanggang 1993. Pero iba na sa pagkakataong ito, dahil ngayon lang pumasok sa isip ni George na gusto na niyang maging isang magulang.

“George is saying he's ready to do this—he thought he never wanted children, but meeting Amal has made him realize he is ready for a family,” sinabi ng source sa British magazine na Closer. “He's so glad that she has come into his life and knows he wants her to be the mother of his kids.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Malapit si Amal sa sarili niyang pamilya, at napaulat na excited na si George sa magiging kinabukasan nila ng kanyang magiging asawa at ng pamilyang bubuuin nila.

“He's saying that he's looking forward to holding his own child, and watching him or her grow,” sabi pa ng source. “He wants to be a part of something that's bigger than him.”

Kinumpirma rin ni George kung saan sila magpapalitan ng ‘I do’ ng kanyang fiancée, na inaasahang mangyayari ngayong linggo.

“I met my lovely bride-to-be here in Italy, who I will be marrying in a couple of weeks in Venice, of all places,” sabi ni George.

At sa isang charity event sa Italy kamakailan ay ibinigay niya ang nakakikilig niyang mensahe sa kanyang bride-to-be: “Amal, I love you to death and I cannot wait to become your husband.” - Cover Media