MABINI, Batangas – Apat na katao ang agad na namatay at dalawa ang nasugatan matapos silang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa Mabini, Batangas noong Linggo ng gabi.

Ayon sa inisyal na report mula kay Insp. Mary Anne Torres, information officer ng Batangas Police Provincial Office, dead on the spot sina Jonathan Tolosa, Cesar Manalo at Isko Ramos.

Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isa pang biktima, samantala ginagamot sa Mabini General Hospital ang dalawa pa.

Bandang 10:00 ng gabi nang pagbabarilin ang mga biktima sa Barangay San Juan, at away sa negosyo ang isa sa mga anggulong tinitingnan ng mga awtoridad.
National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'