Jasmin-Sam-copy

NAGULAT si Sam Concepcion nang ibulong ko sa kanya na nakita ko sila ni Jasmin Curtis Smith na naghahalikan sa parking lot ng SM Aura may dalawang linggo na ang nakararaan.

Pasado alas-diyes ng gabi na iyon. Inihatid ko si Manay Ethel Ramos sa basement parking lot. Nagpaiwan ako dahil hindi ako invited sa event ng ABS-CBN noon. Hindi ko kasi nakaugalian na mag-gatecrash kapag hindi ako imbitado, ‘di ba, Bossing Dindo? Kaya, suwerteng natiyempuhan ko ang kakilig-kilig na tanawing iyon sa tunay na buhay.

Hindi po madilim ang parking area sa basement, pero halos walang tao nang mga sandaling iyon. Kaya nakapagnakaw ng ilang sandali ang magsing-irog. Hindi po masagwa ang napanood, este, nakita ko pala with my own four eyes (naka-graded eyeglasses po ang inyong lingkod).

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Naalaala ko ito, dahil nagpa-presscon ang TV5 para sa kanilangWattpad Presents na nagsimula ng iere ngayong gabi at wish ko talagang mag-click na ito sa publiko. It’s about time na magbunga ang pagsisikap ni Mr. Manny Pangilinan na makatulong sa industriyang kinabibilangan namin.

Makatulong sana sa unang tambalan nina Sam Concepcion at Jasmin Curtis Smith, ang pagsisiwalat kong ito.

Matagal na dapat silang nagtambal, kaya lang nasa TV5 si Jasmin at sa Kapamilya Network naman si Sam. Pero dumating na ang tamang panahon, naganap na ang dapat maganap. Kung anong magic ang magagawa nito sa career nila ay tanging kapalaran ang dahilan.

Gusto ko ring makatulong ito kay Daniel Padilla na tinatangkang siraan ng kanyang bashers. Nilalandi raw kasi ni Daniel si Jasmin Curtis Smith dahil magkatambal sila sa pelikulang Bonifacio na sino-shoot ni Daniel ngayon para sa Metro Manila Film Festival, kasama sina Robin Padilla at Vina Morales. Dapat sana’y si Kathryn Bernardo ang leading lady ni Daniel, pero, hindi ito available sa higpit ng sked kaya pinalitan siya ni Jasmin.

Kahit sinasabing babaero ang mga Padilla, one at a time naman kung sila ay nakikipagrelasyon. Kahit itanong n’yo kay Vina Morales, nag-iisa siya sa buhay ni Robin noong sila pa. Ganoon din si Daniel na marunong ding rumespeto sa kapwa niya lalaki (si Sam), lalo’t magkapamilya sila sa ABS-CBN.

Anyway, ipagtatanggol siyempre ni Sam si Jasmin sa ibinuking kong nangyari sa basement ng SM Aura.

Kaya lang, ako mismo ang nakakita. So paano niya idi-deny ito?