SURUC, Turkey (Reuters) - May 60,000 Syrian Kurds ang bumiyahe patungong Turkey sa loob ng 24 oras, ayon sa deputy prime minister, makaraang salakayin ng mga jihadist ng Islamic State (IS) ang maraming bayan na malapit sa hangganan.
Binuksan ng Turkey ang hangganan nito makaraang lumikas mula sa kani-kanilang bahay ang libu-libong sibilyang Kurdish, nangangamba sa posibleng pag-atake ng grupo sa hangganang bayan ng Ayn al-Arab o Kobani. Sinabi ng isang Kurdish commander na nakubkob na ng IS ang may 15 kilometro ng nasabing bayan.
Nangangamba ang lokal na Kurds na magsagawa ang IS ng massacre isa Kobani.
Naghanda naman ang Amerika na magsagawa ng airstrikes sa Syria upang pigilan ang IS, na una nang nakubkob ang ilang teritoryo sa Iraq at nagdeklara ng caliphate sa pusod ng Middle East.