LOUISVILLE, Kentucky (AP) – Isang bombero mula sa Kentucky na nasugatan sa ice bucket challenge ang namatay isang buwan makaraan siyang makuryente kasama ang isa pang lalaki.

Sinabi ni Campbellsville Fire Chief Kyle Smith na namatay noong Setyembre 20 si Tony Grider, 41, hepe ng fire department.

Agosto 21, si Grider at kasamang si Simon Quinn, 22, ay nasa hagdan ng fire truck nang mapalapat ang hagdanan sa linya ng kuryente makaraang magbuhos ng malamig na tubig sa nagmamartsang banda ng Campbellsville University para lumikom ng pondo laban sa sakit na ALS o amyotrophic lateral sclerosis.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20