Noong oong oong oong Agosto 25, ipinagdiwang ng sambayanang Pilipino ang Araw ng mga Pambansang Bayani. Sinu-sino nga ba ang mga bayani ng lahing kayumanggi? Hindi ba may nagmumungkahing ang pagiging bayani ay nangangailangan ng panukalang batas na ipinasa ng Kongreso? Di ba maging ang pagiging Pambansang Bayani ni Rizal ay pinagdududahan na rin ng ilan, na si Andres Bonifacio raw ang dapat?

Naniniwala ang kolumnistang ito na hindi kailangan ang congressional approval hinggil sa proklamasyon ng isang bayani. Hayaan ang taumbayan na magpasiya kung sino ang tunay at huwad na bayani. Ang mahalaga ay ipagdiwang natin ang araw na iyon at gayahin ang kanilang ginawa at sakripisyo para sa bayan, kalayaan at demokrasya.

* * *

Nakaluhod si Sen. Francis “Chiz” Escudero sa akres na si Heart Evangelista nang alukin niya ito na pakasalan siya. Naganap ito noong Agosto 23 sa bayan niya sa Sorsogon. Kasama ni Sen. Chiz ang kambal na anak (Quino at Chesi) sa unang asawa na si Tintin Flores, at inang si Rep. Elvie Escudero ng Sorsogon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sabi ng kaibigang kong palabiro pero sarkastiko: “Nauuso ngayon sa mga celebrity o kilalang tao ang pagluhud-luhod sa harap ng nobya sa pag-aalok ng kasal. Noong araw, walang luhuran kundi pamanhikan.” Sabad ni Tata Berto: “Uso ngayon ang pagluhod. Anyway, pagkatapos naman ng kasal, tiyak panay naman ang luhod niya sa kanyang bagong ginang.”

* * *

Kamakailan, sunud-sunod ang kapalpakan ng MRT3. Bumulusok ito sa Taft Avenue na ikinasugat ng marami. May mga pagtigil na nakaabala sa mga pasahero. Nag-text sa akin si columnist Jarius Bondoc at sinabing ang kapalpakan ay bunga ng kurapsiyon sa MRT3 sa maintenance ng tren. Huwag na nating hintayin pa ang malaking disgrasya sa MRT3, kumilos na kayong mga namamahala rito!