Inaasahang magiging hitik sa aksiyon ang salpukan ng anim na koponan sa nalalapit na Philippine Super Liga-Grand Prix matapos na makumpleto ang 12 imports na mula sa United States, Russia, Brazil at Japan na sasabak sa ikalawang kumperensiya na magbubukas sa Oktubre 18 sa Araneta Coliseum.

Ipakikilala din ang pinakabagong koponan sa natatanging komersiyal na liga ng volleyball sa bansa na Puregold habang bibitbitin ng Generika ang koponan na dating binubuo ng dating miyembro na Air Asia.

Hindi pa kumpirmado kung tuluyang magpapahinga ang tatlong sunod naging kampeon na Philippine Army (PA) gayundin ang Cagayan Valley Lady Rising Suns na patuloy na naghahanap ng kanilang magiging taga-suporta.

Isiniwalat naman ng nag-oorganisang SportsCore Events and Management na kumpleto na bagamat posible pa ring magpalit ng imports ang anim na koponan.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Bibitbitin ng Petron Blaze Spikers ang 6’3” Opposite Spiker at dating Ms. USA Oregon na si Alaina Bergsma at ang 5’7” setter na si Erica Adachi na mula sa Brazil.

Kapwa mula Estados Unidos naman ang kinuha ng RC Cola Air Force na si 6’0” Zone 2 & 3 specialist Bonita Wise at ang 6’2” na Opposite Spiker na si Emily Brown.

Nagtatangkaran na Russians naman ang import ng Cignal HD na si 6’1” Middle Blocker Elena Tarasova at 6’2” Opposite Spiker na si Irina Tarasova.

Dadalhin naman ng baguhang Puregold ang 5’8” setter na si Kaylee Manns at ang 6’2” Opposite Hitter na si Kristy Jaeckel na mula din sa US.

Ang PLDT ay aasa kay 6’0” Zone 2/3/4 specialist Lindsay Stalzer at 6’3” Outside Hitter Sarah Ammerman na mula sa US habang kinuha ng Generika ang serbisyo ng 5’5” setter na si Miyu Shinohara ng Japan at 6’3” Opposite Spiker na si Natalia Korobkova ng Russia.