Setyembre 21, 1947 isinilang ang New York Times-bestselling author na si Stephen King sa Portland, Maine sa United States. Kinikilala bilang isa sa pinakasikat na horror writers sa kasaysayan, si King ang awtor ng patok na pelikulang horror na “Carrie.”

Nakabenta ng may 350 milyong kopya ng libro sa mundo, maraming obra ni King ang isinapelikula na o kaya naman ay ginawang TV series, kabilang ang “Firestarter,” “Cujo,” “It,” at “The Shining.” Ang mga unang nalathalang nobela ni King ay nasa ilalim ng pseudonym na “Richard Bachman,” dahil nangangamba siyang hindi tatanggapin ng publiko ang mga libro ng mga bagong awtor.

Noong 2011 ay inilathala ni King ang “11/22/63,” isang nobelang may time travel para maiwasan ang pagpatay kay dating US President John F. Kennedy. Noong 2013, isinulat niya ang nobelang “The Joyland,” isang kuwentong fiction tungkol sa pagtukoy sa utak sa isang hindi malutas-lutas na pagpatay, at ang “Doctor Sleep,” ang sequel ng sikat niyang nobela na “The Shining.”
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists