Pinasinayaan kamakailan ng mga lokal na opisyal ng Maynila ang unang modernong footbridge sa Quiapo, na matibay laban sa gaano man kalakas na hangin na dulot ng bagyo.

Ang unang eco-footbridge na itinayo malapit sa simbahan sa Quiapo ay idinisenyo ng kilala sa buong mundo na si Architect Jun Palafox at kumpleto sa mga closed-circuit television (CCTV) camera at LED lights. Ayon sa mga nagtayo nito, kaya ng footbridge kahit hanggang 270-kilometer-per hour na hangin.

Proyekto ng pamahalaang lungsod at Ecobridges Ads Inc., mayroon ding vertical garden sa paligid ng footbridge, na mayroon ding mga security guard.

Sa inagurasyon, sinabi pa ng Ecobridges Ads Inc. na magtatayo ito ng 11 bagong footbridge sa iba’t ibang lugar sa Maynila, kabilang ang sa Lawton at Recto, at isasailalim sa rehabilitasyon ang anim na footbridge sa siyudad. - Jenny F. Manongdo
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon